Mobile Devices to Gaming Console.
Maaari nating gawing gaming console ang ating mga mobile devices lalo na kung ito ay Android. Pero bago ang lahat, dapat nating isipin ang mga bagay kung ito :
- Storage ng inyong mobile devices
- Version ng inyong OS ( Operating System)
- Technical specs ng inyong mobile device
Para maging gaming console ang ating mobile device, gagamit tayo ng tinatawag na Emulators. Ang emulator ay isang application na pwedeng gayahin ang isang computer system. Makakakuha tayu ng mga ganitong klaseng app sa pamamagitan ng Playstore o kaya app store. Kung kayo ay tipong nag titipid meron ding downloadable na .apk (Android Application package) yan kung android device ka.
Paalala sa mga emulators na gagamitin.
Ang emulator ay may compatibility depende sa spec ng device mo. Maaari itong maging sanhi ng pag bagal o kaya di gumana ng maayos. Kaya bago mag install tingnan muna ang compatibility ng inyong mobile device.
Bakit mo ito gagawin? Ang mag lagay ng emulator at gawing gaming console ang inyong device?
Kung ikaw ay mahilig sa games at namiss mo o gusto mo maranasan ang ibang gaming console ngunit wala ka nito o sira na ang gaming console na meron ka.
Sa ganitong paraan ma eenjoy mo ang paglalaro ng mga ibang gaming console na paborito mo o kaya yung lumang gaming console na sumikat noon.
Ano ano ba ang mga sikat na platform ng emulator at pwedeng ilagay sa inyong mobile device?
- NES
- Psx ( Playstation 1)
- Sony Playstation Portable (PSP)
- Gameboy Advance (GBA)
Panoorin naten ang ilan sa mga halimbawa ng emulators sa mobile device
PPSPP Emulator = PSP
source Jules Burt
ePSXe - PS1 Emulator
Sa mga ganitong klaseng mga emulator, mas mainam kung gagamit ng bluetooth controller para sa bwelo na pag lalaro.
Find out more sa Laro Pilipinas Online ang mga bagay bagay tungkol sa eGames, eSports at iba pang mga games online.
No comments:
Post a Comment